PINAG-IINGAT ng Social Security System (SSS) ang publiko lalong-lalo na ang maliliit na establisimyento upang maging mapanuri sa pagtanggap ng SSS checks bilang pambayad sa mga biniling produkto ng sinoman gayundin sa pagpapalit ng nasabing mga tseke.
Noong nakaraang linggo, nakatanggap ang SSS La Union Branch Officer-in-Charge Francisco F. Pentecostes, na diumano isang huwad na SSS check ang naipalit sa isang groserya at ito ay nagkakahalaga ng P9,000.00.
Ang nasabing huwad na SSS check ay pinalabas ng Land Bank of the Philippines Baguio City Branch, subalit, ang account kung saan ito na-withdraw ay mula sa Land Bank of the Philippines Tarlac Branch. Ang nasabing tseke ay may 2 magkaibang account numbers at ang mga lagda ay hindi lagda ng otorisadong signatories nang naturang ahensya,” ayon pa sa SSS.
Inalerto ng SSS La Union Branch ang lahat ng kanyang sakop na lugar dahil sa ganitong uri ng mga modus operandi. Binigyan nila ng abiso ang mga may-ari ng tindahan at sinabihang itawag sa SSS branch kung may ganoong mga pangyayari upang ma-verify kung tunay ang SSS checks bago tanggapin kung ito ay ibinabayad ng isang mamimili.
Ang mga authentic SSS check ay may isang account number lamang na makikita sa itaas ng petsa ng tseke gayundin sa gitnang bahagi ng tseke. ‘Di tulad ng peke na nagtataglay ng 2 magkaibang account numbers. Ang SSS number ng member payee ay nakatatak din sa tseke.
Ang pinakamahalaga sa lahat, ang SSS president ay ang tanging signatory para sa lahat ng benefit checks na pinalabas ng SSS.
“Sinisiguro namin sa mga kaanib na ang mga SSS check ay ligtas at hindi agad-agad na kayang kopyahin,” ayon pa rin sa SSS.
The post MAG-INGAT SA FAKE SSS CHECKS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment