Sunday, December 1, 2013

Bonifacio, kikilalaning unang Pangulo, pambansang bayani

Hiling ng konseho ng Maynila na kilalanin bilang unang pangulo ng Pilipinas si Gat Andres Bonifacio.


Sa pagdiriwang noong Sabado ng ika-150 anibersaryo ng pagsilang ni Bonifacio, inihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na sa resolusyong ipinasa ng Manila City Council ay hihilingin kay Pangulong Benigno S. Aquino III na agad na aksiyunan ang nasabing panukala.



Ikinatwiran ni Estrada na itinatag at pinamunuan ni Bonifacio ang pamahalaan ng Katagalugan simula Agosto 24, 1896 hanggang Mayo 10, 1897.


Kasama ni Estrada sa pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio si Vice President Jejomar Binay, na sinuportahan ang mga panawagan para bigyan ng gobyerno ng state funeral service ang Ama ng Himagsikan, at pabor din na maging pambansang bayani si Bonifacio, gaya ni Gat Jose P. Rizal.


Sinimulan ng ilang estudyante ng Miriam College, sa pamamagitan ng reform website na Change.org, ang panawagan para bigyan ng state funeral si Bonifacio. – Mary Ann Santiago at JC Bello Ruiz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bonifacio, kikilalaning unang Pangulo, pambansang bayani


No comments:

Post a Comment