KUMPIRMADONG may namatay na sa China dahil sa pananalasa ng bagong strain ng bird flu o H10N8.
Ayon sa Jiangxi provincial health department, ang biktima ay 73-anyos na babae mula sa Nanchang at namatay ito noong Disyembre 6.
Ito ang unang beses na tumama sa tao ang nasabing sakit.
Isinugod sa ospital ang biktima noong Nobyembre 30 dahil sa severe pneumonia.
Namatay ito sa respiratory failure at shock.
Bago nagkasakit, bumisita ito sa isang lokal na pamilihan ng manok.
Kasalukuyang may outbreak ng H7N9 bird flu sa mainland China, kung saan hindi bababa sa 139 katao na ang tinamaan ng sakit at 45 naman na ang namatay.
May mga kaso na rin nito sa Hong Kong at Taiwan.
Dahil dito, higit ang pag-iingat na isinasagawa sa international Airports ng bansa upang tiyaking walang nakapapasok na maysakit sa bansa.
Ayon kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) police Vic De Leon, sinasala nilang mabuti ang mga dumarating mula sa Hong Kong, partikular ang overseas Filipino workers na magbabakasyon ngayong Kapaskuhan.
Kung ma-detect nilang may lagnat ang dumating ay agad nila itong inihihiwalay upang masigurong walang dalang sakit.
Gayunman, posible ring may makalusot dahil may incubation period ang nasabing virus na aabot sa 15 araw.
The post Bird flu nanalasa sa China, Pinas baka susunod na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment