PINAYAGAN kaninang umaga, Disyembre 19 ng Sandiganbayan si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na magdiwang ng kapaskuhan kasama ang kanyang pamilya sa kanyang hospital suite.
Ang mga miyembro ng pamilya, kamag-anak at malapit na kaibigan ay pinayagan na makapanatili ng hanggang hatinggabi sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City, sa araw ng Pasko at bisperas ng Bagong Taon.
Sa ulat, karaniwan nang pinapayagan ang mga bisita na makapanatili sa VMMC ng hanggang 9:30 lamang.
Ayon sa abogado ni CGMA na si Atty. Raul Lambino, ang ibig sabihin nito na ang kanyang kliyente ay makakasama ang kanyang pamilya sa mismong Noche Buena at Media noche.
Pinayagan aniya ng korte si CGMA na kasama ang kanyang mga mahal sa buhay kahit lampas na ng alas-9 ng gabi sa mga araw na nabanggit .
Ang dating lider ng bansa ay naka-hospital arrest sa kasong electoral sabotage simula pa noong 2011, matapos na hindi siya payagang nakalabas ng bansa.
Nahaharap din ito sa kasong pandarambong sa intelligence funds ng Philippine Charity Sweeptakes sa panahon ng kanyang termino.
Kabilang din si Mrs. Arroyo sa plunder complaint, kasama ang pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles, na isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa maling paqggamit ng P900 milyon royalties ng Malampaya gas fund.
The post GMA kasama ang pamilyang magpa-Pasko sa VMMC appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment