Si Taytay darter Lourence Ilagan ang naging unang Filipino international darts champion nang ungusan si countryman Christian Perez ng Koronadal sa World Soft Tip 2013 grand finals sa Hong Kong kamakailan.
Ang event ay isinagawa sa walong stages sa loob ng isang taon kasama ang darters na sumabak sa tatlo o mas marami pang stages para umusad sa top 100 base sa puntos upang makuwalipika sa grand finals.
Si Ilagan, mainstay ng Team One Phils, ay iprinisinta ang bansa sa iba’t ibang international tournaments abroad. Dinala rin nina Ilagan at Perez ang Philippine colors ng dalawang beses sa world darts championships sa London, England at Germany.
Napagwagian ni Ilagan ang dalawang stages overall, ang stage 5 na ginanap sa Hong Kong at stage 6 sa Las Vegas, Nevada.
Si Perez ng Robson Sportscraft ay ang losing finalist noong nakaraang taon.
Maliban sa pagtatapos sa 1-2 sa singles event sa grand finals, ang Philippine team na kinabibilangan nina Ilagan, Perez, Ronald Briones at Alain Abiabi ay umungos rin sa all-nations point ranking event. Ang Filipino darters ay umangat sa Japan, sa United States at United Kingdom. Ang mga manlalaro mula sa 17 countries ang sumabak sa grand finals.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment