Sunday, December 1, 2013

PURO REKLAMO

Isang umagang nagkakabit ako ng Christmas decorations sa aming dining area, narinig kong pumasok ng bahay ang anak kong si McClint mula sa paglalaro ng basketball. May kasama siyang kaibigan at narinig ko ang kanyang pagrereklamo. Tila nadaya sila sa laro at iniinda ng kanyang kaibigan ang pagbalya sa kanya ng isang player na dinaan sa laki at taba ang paglalaro. Naku, katakut-takot na reklamo ang narinig ko. Basketball game lang iyon.



Siguro, kung mare-record lang natin ang ating pakikipag-usap sa isang araw, masusurpresa tayo sa dami ng ating pagrereklamo at pagmamaktol. Nagrereklamo ang mga bata sa dami ng kanilang assignment. Nagrereklamo ang inay sa pagpupulot ng kalat ng lahat ng miyembro ng kanyang pamilya. Uuwi ng bahay ang itay at kung anu-anong maaanghang na salita ang kanyang sinasabi tungkol sa kanyang supervisor. At araw-araw ang ginanawang pagrereklamo.


Kamakailan lang, nabasa ko mula sa Mabuting Aklat na nagreklamo ang Israelites na kalalabas lamang sa Egypt. Matapos ang lahat ng nagawa ng Diyos para sa kanila, dapat pa nga silang magbunyi, magpasalamat, at buong kasiyahang sundin ang Kanyang loob. Ngunit dahil sa kakulangan ng pananampalataya at pagsuway sa utos, hindi nakarating ang buong henerasyon sa Lupang Pangako.


Ganoon din marahil sa kasalukuyang panahon, isinusuko ng mga reklamador ang mga biyaya ng Diyos at marami ang kanilang nahahawa. Ang gayong pag-uugali ay hindi angkop para sa isang sumusunod kay Jesus. May nakapagsabi

nga, na kapag ang iyong ama, ina, mga kapatid, at pati na ang iyong kapitbahay ay hindi masaya sa pagiging Kristiyano

mo, kuwestiyunable ang iyong pananampalataya.


Ang iyo bang mga salita ay nagbibigay-dangal sa Panginoon? Ikinakalat mo ba ang kaligayahan at hinihimok mo ba ang iba upang magtiwala at sumunod sa Kanya? Tandaan: Ang reklamador na Kristiyano ay salungat sa kanyang pananampalataya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PURO REKLAMO


No comments:

Post a Comment