DAPAT patunayan ni Customs Commissioner Sunny Sevilla na totoo ang kanyang sinasabi na bawal na ang tiwali sa Aduana.
Ito kasing sina Banjo, Ordo, Troy, Danny at Ronnie ay tuloy-tuloy pa rin sa kanilang pangongolekta, gamit ang pangalan nina Sevilla at Deputy Commissioner for Intelligence Jessie Dellosa.
Malinaw sa pahayag ng ating tipster sa Customs na sa lima nating nabanggit na kumag lang daw dapat makipag-usap ang sinomang may transaksyon sa Aduana kung gusto nila ng walang bulilyaso.
Bukod sa regular na timbre na kinukuha nina Banjo, Ordo, Danny, Troy at Ronnie kada linggo ay bukod pa rin daw ang hatagan nito kapag may parating na kargamento.
Nagtaas din daw ng tara at presyo ang limang kumag dahil ang sad story raw ng mga ito ay medyo nagbubutasan at nagbabantayan ngayon sa BOC.
Sa maikling salita, marami raw silang inaanggihan gayong kilala naman sa Aduana kung kanino silang mga tauhan.
Maganda raw ang team work ng lima dahil sina Troy at Ronnie raw ang tagarebisa ng mga kargamento habang sina Ordo, Banjo at Danny raw ang nangongolekta.
Ang galing, hindi po ba? Kaya dapat nang kumilos itong sina Sevilla at Dellosa dahil lamog at basang-basa na ang inyong mga pangalan sa loob ng Aduana at iyan ay mapatutunayan lamang kung aaksyon ang nasabing opisyal ng BoC sa limang salot na ito.
Marami pa tayong ibubunyag sa bulok na kalakaran sa BoC at iyan ang inyong abangan dahil masyadong mabagsik ang ating mata sa dating balwarte ni Biazon na ngayon ay sinasabing balwarte na rin ni Purisima.
o0o
Nahahalata na ngayong nagpa-panic na ang administrasyong Aquino.
Kaliwa’t kanan na kasi ang nagaganap na resignasyon o ang tamang term kaya ay pinagbibitiw sa puwesto.
Nauna si Ruffy Biazon at kamakailan lamang ay si Ricky Carandang.
Mukhang grabe ang sikuhan sa Malakanyang at iyan ang ating susubaybayan dahil mukhang nadedehado ang grupo ng LP na pinamumunuan ni Mar Roxas.
The post BANJO, ORDO, TROY, DANNY, RONNIE: SALOT SA CUSTOMS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment