BINALAAN ng waste and pollution watchdog group ang publiko laban sa pagbili ng mga mantel o plastic table cover na madalas gamitin sa mga tahanan at mga karinderya matapos matuklasang ang mga ito ay may taglay na health damaging chemicals na inililihim sa mga consumer.
Kapag Holiday Season ay mabiling-mabili ang mga mantel dahil kalimitang nagpapalit ng mga takip ng hapag-kainan ang mga tao sa kani-kanilang tahanan upang higit pang maging kaakit-akit ang mga pagkaing ihahain sa mga hapag-kainan.
Pinayuhan naman ng EcoWaste Coalition ang publiko laban sa pagbili ng mga mantel at sa halip ay inirekomendang gumamit na lamang ng mga tela na panakip sa mesa o kaya ay mga non-PVC table cover upang matiyak na ligtas ang mga ito laban sa anumang kemikal.
Ang babala ng EcoWaste Coalition ay kasunod ng pagbili nila ng 15 sample ng mantel sa halagang P20 hanggang P150 bawat isa mula sa mga market vendors sa Divisoria, Paco at Quiapo, Manila, na kanilang sinuri gamit ang portable X-Ray Fluorescence spectrometer.
Dito nila natukoy na karamihan sa mga naturang mantel ay gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic habang 11 sa mga ito ay may lead na umaabot sa 18,100 parts per million (ppm), at ang apat pa ay mayroon namang cadmium na nasa 1,298 ppm.
Ang lead at cadmium ay kadalasang ginagamit bilang stabilizer ng PVC products, at pigment para madagdagan ang kulay ng mga naturang produkto, at may masamang epekto sa kalusugan, particular na ang lead na nakaaapekto sa brain development ng tao, lalo na ng sanggol.
Bukod sa lead at cadmium, ang iba pang kemikal na natagpuan sa mga table covers ay antimony, arsenic at chromium.
Iginiit rin ng grupo na maging ang mga PVC-based products ay masama rin umano sa kalusugan dahil sa taglay nitong toxic phthalate plasticizers, na nakahahadlang sa normal hormonal processes kahit sa low levels of exposure lamang.
The post Lason sa mga mantel ibinabala appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment