TANAUAN CITY, Batangas – Binulabog ng mga putok ng baril ang isang pamilya makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek ang kanilang bahay habang sila ay natutulog bandang 1:30 ng umaga noong Disyembre 1.
Ayon sa report ni Senior Inspector Dwight Fonte, information officer ng Batangas Police Provincial Office, pinagbabaril ang bahay ni Mariano Molinar, 63, kagawad ng Barangay Sulpoc.
Bukod sa bintana ng bahay, tinamaan din ng bala ang Mitsubishi Adventure at owner-type jeep ni Molinar. – Lyka Manalo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment