Wednesday, December 4, 2013

Susunod na BoC comm kailangang kasundo ni Purisima

KAILANGANG “kasundo” ni Finance Secretary Cesar Purisima ang susunod na Customs Commissioner.


Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma ay binigyan ng pagkakataon ni Pangulong Benigno Aquino III si Purisima na magbigay ng kanyang inputs at rekomendasyon sa paghirang ng bagong Customs Commissioner.


“Kasama po sa factors that would enhance performance would be that aspect of having good relations within the authority structure of the agency concerned. Ang Bureau of Customs po ang responsable para sa malaking bahagi ng ating pambansang revenue generation efforts, next only to the Bureau of Internal Revenue. Kaya po significant ang contribution ng BOC to this overall effort and, following that principle, the person that will head this bureau would have to be equal to the task of producing the second biggest revenue source for the national government and its expenditures,” paliwanag ng Kalihim.


Inamin nito na wala siyang impormasyon sa kung sino naman ang napipisil ni Pangulong Aquino na ipalit kay Biazon kahit marami nang pangalan ang naglutangan.


Nakiusap ito na hintayin na lamang ang gagawing pag-anunsyo ng Chief Executive sa isyu.


Sa kabilang dako, hindi dapat kay Pangulong Aquino kundi kay Purisima lumapit si Biazon para humingi ng ekstensyon para ayusin ang mga bagay sa BoC upang maging maayos ang transition period para sa susunod na komisyonado ng nasabing ahensiya.


Kaya wala aniyang dahilan para lumapit pa si Biazon kay Pangulong Aquino.


Iba rin aniya ang sitwasyon at kaso ni Biazon kaya hindi dapat ihalintulad ang ginawa nitong pagbibitiw sa puwesto sa mga cabinet members na napapaulat na may ginagawang kapalpakan at anomalya.


Hindi naman nangangamba ang Malakanyang kung bukod kay Biazon ay may miyembro ulit ng gabinete na magbibitiw sa puwesto.


The post Susunod na BoC comm kailangang kasundo ni Purisima appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Susunod na BoC comm kailangang kasundo ni Purisima


No comments:

Post a Comment