Tuesday, December 17, 2013

Bahay at lupa, papremyo kay Galedo

Tinapos ni two-time Tour Pilipinas champion Mark John Lexer Galedo ang 16 na taong pagkauhaw ng Team Pilipinas sa gintong medalya sa cycling matapos na iuwi ang titulo bilang hari ng Individual Time Trial sa ginaganap na 27th Southeast Asian Games sa Naypyitaw, Myanmar.



Pinatag ng 28-anyos at miyembro ng Continental Team na 7-11 By Roadbike Philippines na si Galedo ang 50 kilometrong akyating ruta sa event na ITT upang pamunuan nito ang 17 ibang kalahok para sa kauna-unahan nitong gintong medalya sa kada dalawang taong torneo.


Itinala ni Galedo, na nagkasya lamang sa tansong medalya sa nasabing event noong 2011 Indonesia SEA Games, ang kabuuang tiyempo na 1 oras, 7 minuto at 38 segundo tungo sa pagbibigay sa Pilipinas na kauna-unahan din nito na gintong medalya sa road race.


Tinalo ni Galedo si Robbin Mannulang ng Indonesia na may 1:07.38 tiyempo para sa pilak habang pumangatlo ang kakampi nito na si Ronald Oranza na miyembro ng continental team na LBC MVP Sports Foundation ay nagtala ng 1 oras, 7 minuto at 50 segundo para sa 1-3 finish ng Pilipinas.


Ang ginto ni Galedo ay nagbalik sa Pilipinas sa pagwawagi sa road race event sa kada dalawang taong torneo matapos na huling mapanalunan ni Victor Espiritu noong 1997 Jakarta SEA Games.


Nakatakda na matanggap ni Galedo ang ipinangakong insentibo na house and lot kung makakapag-uwi ito ng gintong medalya mula sa Road Bike founder na si Engr. Bong Sual.


Nakatakda pang sumikad si Galedo para sa asam na ikalawang ginto bukas, Miyerkules, sa paglahok nito sa tampok na 160 km massed start kung saan huli itong nagwagi ng pilak noong 2011 Indonesia SEA Games.


Huling nagwagi ng gintong medalya ang Pilipinas sa massed start sa SEA Games noong 1993 mula naman kay Domingo Villanueva. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bahay at lupa, papremyo kay Galedo


No comments:

Post a Comment