Tuesday, December 17, 2013

World record para sa pinakamalaking perlas, target ng Boracay

BORACAY ISLAND – Ilalaban ng Crown Regency Resort sa islang ito ang iniingatang perlas para makakuha ng world record bilang pinakamalaki sa mundo.


Ayon kay Richard King, chairman ng nasabing resort, namana pa niya sa kanyang ama ang nasabing perlas na tumitimbang ng siyam na kilo.



Sa kasalukuyan, kinikilala ng Guinness World Record ang tinaguriang Pearl of Allah na nasa Amerika, na may bigat na anim na kilo.


“Tatawagin naman namin itong Pearl of the King, at base sa aming tantiya, bumibigat ito ng siyam na kilo. Mas mabigat pa sa kasalukuyang [may hawak ng] world record,” sabi ni King.


Darating sa Disyembre 20 sa Boracay Island sa Malay, Aklan ang mga kinatawan ng Guinness World Record para suriin ang nasabing perlas.


Ang nasabing perlas ay hindi pang gem quality kundi isang uri ng giant clam o tridacna pearl, na kilala rin bilang Taklobo. –

Jun N. Aguirre


.. Continue: Balita.net.ph (source)



World record para sa pinakamalaking perlas, target ng Boracay


No comments:

Post a Comment