“ATE Reg, may movie project po ba si Angeline (Quinto) sa 2014?”
Ito ang tanong sa amin ng loyalistang supporter ng singer/actress.
Kaya nagtanong kami sa taga-Star Magic kung may pelikulang gagawin ang alaga nila.
“As of now, TV guestings at shows lang po muna,” sabi sa amin.
Tama rin naman na mag-concentrate muna si Angeline sa singing career niya sa kaysa magpelikula dahil nalilito ang tao sa kanya kung artista ba siya o singer.
Si Sarah Geronimo nga, nag-concentrate muna sa pagiging singer bago nagpelikula, ‘di ba, Bossing DMB?
Pansamantala, tiyak na matutuwa ang mga sumusuporta kay Angeline dahil mapapanood siya ngayong gabi sa Wansapanataym na ang tema ay pagpapatawad, patuloy na pagsusumikap para sa mas magandang buhay, at ang New Year’s resolutions na ibabahagi sa TV viewers.
Gagampanan ni Angeline sa ‘Ang Bagong Kampeon sa Bagong Taon’ episode ang karakter ni Melody, isang dalagang nabigo ng maging sikat na singer dahil sa paninira ng ibang tao.
Paano maaalis ni Melody ang galit sa kanyang puso upang tuluyan nang mapatawad ang mga nanira sa kanya? Magiging lubusan ba ang kaligayahan niya sa bagong buhay niyang nabuo sa tulong ng isang mahiwagang imahe?
Makakasama ni Angeline sa Wansapanataym ngayong gabi sina Dianne Medina, Liezel Garcia, Jeffrey Hidalgo, Amy Nobleza, Marlan Flores, at KylineAlcantara mula sa panulat ni Cris Lim at sa direksyon ni Trina Dayrit. —Reggee Bonoan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment