TABUK CITY, Kalinga – Dahil sa pagbaba ng krimen, higit na dumami ang investor at turista sa Kalinga.
Sa pulong sa Provincial Peace and Order Council (PPOC), inihayag ni PPOC Chairman at Kalinga Gov. Jocel Baac na batay sa datos ng ahensiya, bumaba ng 7.8 porsiyento ang krimen kumpara noong 2012.
Sinabi pa ni Baac na naging matagumpay ang pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa tulong ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), mga opisyal ng barangay at sa pakikiisa ng mamamayan ng probinsiya. – Wilfredo Berganio
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment