Saturday, December 28, 2013

Balota, nasunog sa kapitolyo

ISULAN, Sultan Kudarat – Nasunog ang ilang mahahalagang dokumento sa lumang gusali ng kapitolyo ng Sultan Kudarat sa Barangay Kalawag II sa Isulan makaraang sumiklab ang sunog sa stock room ng isang korte, umaga nitong Disyembre 26.



Tumagal ng 30 minuto ang sunog at natupok ang 14 na balotang ginagamit sa manu-manong halalan at nasa P50,000 ari-arian ang nasunog sa imbakan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 19, ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Isulan.


Iniimbestigahan na ng BFP at Isulan Police ang insidente. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Balota, nasunog sa kapitolyo


No comments:

Post a Comment