LALARGA na ngayon ang National Food Authority (NFA) at Bureau of Customs (BoC) upang sundin ang utos ni Pangulong Noynoy Aquino para magamit ng publiko ang mga nasabat na smuggled rice.
Ito’y sa gitna ng nararanasang pagsirit ng presyo nito sa merkado.
Ayon kay Presidential Assistant for Food Security and Agriculture Modernization Francis Pangilinan, pinabibilis na ang proseso upang agad na mapalabas sa merkado ang mga smuggled rice.
Sinabi nito na mas makabubuti ito kaysa umangkat pa ng bigas sa ibang bansa.
Base sa tala ng BoC, mahigit sa 50-milyong kilong smuggled rice ang nasabat ng ahensya nito lamang nakalipas na sampung buwan.
The post Smuggled rice, ilalabas sa merkado appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment