MARIING pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng mga Pilipino sa China laban sa sindikato ng droga doon.
Batay sa ulat ng Philippine Consulate sa Guangzhou, umaabot na sa 95 ang bilang ng mga Pilipinong nakakulong sa China dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.
Dalawang Pinoy na rin ang binitay mula 2010 hanggang 2011.
Bukod sa Guangzhou, kabilang sa mga lugar na may mataas na drug related case sa China ang Hunan Province, Xinjiang Uygur Autonomous Region at Guangdong Province.
The post Pinoy sa China, pinayuhan laban sa droga appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment