Tuesday, July 1, 2014

PNP White House, iimbestigahan ng senado

HINDI palalagpasin ng senado ang kontrobersya sa sinasabing pagpapagawa ni PNP Chief Director General Allan Purisima ng bagong white house na nagkakahalaga ng P25-milyon.


Sinabi ni Senadora Grace Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na hihingan niya ng paliwanag si Purisima kung bakit kinailangan nito na magpatayo ng bagong tirahan sa Kampo Crame.


Ayon kay Poe, batid niya na kailangan ng presentableng tirahan ng Chief-PNP, pero kailangan aniya ng paliwanag nito kung bakit ito ang inuna sa gitna ng maraming pangangailangan ng PNP at pagtaas ng krimen sa bansa.


Nauna nang iginiit ng PNP na naitayo ang white house dahil sa donasyon na materyales at serbisyo ng grupong Free and Accepted Masons of the Philippines na kinasasapian ni Purisima.


Samantala, handa naman ang PNP na humarap sa senado hinggil sa kontrobersyal na pagpapatayo ng white house sa loob ng Kampo Crame.


Tugon ito ni PNP-PIO Head Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Jr. matapos ihayag ni Sen. Grace Poe na gusto nitong pagpaliwanagin si PNP Chief Director General Allan Purisima ukol sa nasabing usapin.


Ang white house ang nagsisilbing official residence ng hepe ng pambansang pulisya.


Ayon kay Sindac, welcome sa kanila ang hakbang na ito ng senador dahil isa aniya itong magandang oportunidad para maipaliwanag kung bakit kinakailangang gumawa ng bagong white house na milyong piso ang halaga.


The post PNP White House, iimbestigahan ng senado appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNP White House, iimbestigahan ng senado


No comments:

Post a Comment