BINABANTAYAN na ngayon ng PAGASA ang dalawang low pressure area (LPA) na namataan sa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, ang isang sama ng panahon ay nasa 850 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes habang ang isa pang LPA ay nasa silangan ng Mindanao.
Ang LPA sa loob ng PAR ay mababa ang tiyansa na maging ganap na bagyo at posibleng malusaw din kaagad.
Gayunman, asahan pa rin ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, Davao at Caraga Regions dulot ng LPA at Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
The post 2 LPA, binabantayan ng PAGASA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment