HINILING kahapon, Huwebes, ng grupong Ecowaste Coalition sa mga mambabatas, na na isulong ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa buong bansa.
Ayon kay Ecowaste Coalition Vice President Zoila Mendoza, 51.4% ng solid waste pollutant sa Manila Bay ay mga plastic bag.
Matatandaang plastic din ang nahukay na bumara sa mga daanan ng tubig sa Kamaynilaan, sanhi upang umapaw ang mga estero at magkaroon ng malakihang pagbaha
Ilang bansa sa Europe ang tuluyan nang ipinagbawal ang paggamit ng plastic kung saan kabilang ang France, Germany South Africa, (OB) Italy, (OB 2010) Australia, (OB sa mga supermarkets 2008) India, (OB kasama ang Mumbai) Somalia, (OB) Botswana, (OB) Pilipinas, (OB, coming soon) Uganda, (OB) Kenya, (OB) Japan Turkey Zanzibar, (OB) Eritrea, (OB) Ethiopia, (OB) Papua New Guinea, (OB) Samoa, (OB) Belgium, (Levy) South Korea Singapore Sweden Bhutan, at (OB) Malta China.
Sa Pilipinas, Makati at Quezon City pa lamang ang mahigpit na nagpapatupad sa hindi paggamit ng plastic, samantalang ang ibang lugar ay nagsisimula na rin sa pagpapatupad nito.
Gayunman, umabot na 100 nang local government unit (LGU) na nagbabawal sa paggamit ng plastic sa kani-kanilang lugar.
The post Plastic hiniling na ipagbawal sa buong bansa appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment