Wednesday, July 2, 2014

Pagsibak kay Supt. Malana sakripisyo lang – Tiamzon

ISANG sakripisyo lamang ang pagsibak kay Superintendent Mario Malana, warden ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center makaraang payagang magpa-party sa kanyang kulungan si Senator Jinggoy Estrada na umabot ng madaling-araw.


Ito ang sinabi ng mag-asawang hinihinalang CPP-NPA leaders Benito at Wilma Tiamzon na nahaharap sa dalawang kaso ng kidnapping at serious illegal detention sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) na nagsabing ang wedding anniversary party ng Estrada ay may blessing umano sa mataas na opisyal ng PNP.


Subalit tumanggi ang mag-asawang Tiamzon na tukuyin kung sino ang mataas na opisyal ng ito.


Sa kanilang nilagdaang statement, sinabi ng mag-asawang Tiamzon na kabilang sa 55 na hindi PDAF detainees sa PNP Custodial Center ay nagsabi na sinibak si Malana matapos palitan ni Superintendent Peter Limbauan.


Nabatid pa na ang PNP Headquarters Support Service ay nakitaan ng probable cause para sampahan ng kaso si Malana ng neglect of duty dahil sa kabiguang ipatupad ang facility rules and regulations at kabiguang ipaalam sa kanyang opisyal sa higher headquarters sa gaganapin wedding anniversary celebration ni Estrada.


Ayon sa ulat, ang mga kaanak at kaibigan ni Estrada ay nanatili sa custodial center hanggang madaling-araw ng Linggo.


Kasalukuyan ngayon nasa floating status si Malana, na walang suweldo at allowances habang dinidinig ang kaso nito.


Sa sandaling mapatunayang guilty sa kaso si Malana ay nahaharap sa suspension ng minimum sa 30 araw at maximum na 59 araw.


Sinabi pa ng mga ito na ang mataas na opisyal ng pulisya at judiciary ay instrumental lamang sa pagbibigay ng special treatment kay Estrada at Bong Revilla habang ang ordinaryong detainees ay hindi nakakalasap nito.


The post Pagsibak kay Supt. Malana sakripisyo lang – Tiamzon appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagsibak kay Supt. Malana sakripisyo lang – Tiamzon


No comments:

Post a Comment