TILA walang balak ang liderato ng Senado na ibalik ang P100 milyong nakuha mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng gobyerno noong 2012.
Ilang minuto matapos pangalanan ni Sen. Miriam Santiago sa press conference na dapat isoli nina Senate Pres. Franklin Drilon, Francis Escudero at Juan Ponce Enrile ang kanilang DAP matapos ilabas ng Supreme Court (SC) ang ruling nito na ‘unsconstitutional’ ang DAP.
Nabatid na ang 3 senador ang tumanggap ng pinakamalaking DAP bilang suhol umano kapalit ng ‘Yes’ vote pabor sa impeachment ni dating Chief Justice Corona.
Karamihan naman sa ibang senador na pumabor din ay tig-P50 milyon.
Si Sen. Jinggoy Estrada ang nagbunyag ng pamumudmod ng DAP sa privilege speech nito sa Senado noong 2013 nang idiin sa pork barrel scam.
Si Estrada kasama ni Sen. Bong Revilla ay nakapiit ngayon sa Camp Crame habang nililitis sa kasong plunder na isinampa sa Sandiganbayan.
Depensa ni Drilon, na maayos na nagamit hanggang sa huling sentimo ang P100 milyong pondo sa ilalim ng DAP ng gobyerno sa proyektong makapagpapaangat sa ekonoiya sa Western Visayas.
Ito ang pagpapatayo ng Convention Center na pinasinayaan ni PNoy noong hunyo 27, 2014.
The post Drilon dumepensa sa DAP appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment