MATAGAL ding panahon ang ipinaghintay ni Gabby Eigenmann bago nabigyan ng soap na siya ang title role. Kaya nga raw labis ang kanyang pasasalamat sa GMA 7 sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na magbida sa afternoon series na Dading.
“Never akong naging impatient na, bakit ang tagal?” aniya. “Kasi sabi ko nga, hindi ko naman hinangad na magkaroon ng solong project o maging lead.”
Daddy na bading ang role na kanyang ginagampanan. Kakaiba raw ito sa mga naunang gay roles na binigyang-buhay niya.
“Hindi naman ako nahirapan do’n. Kasi I have friends who are gays. Sa mga tao sa opisina namin, may mga gays rin.”
Sa kanilang mga aktor mula sa pamilya Eigenmann, ang pinsan niyang si Geoff Eigenman na lang ang hindi pa nakapag-poportray ng gay role.
“Oo. And that would be fun! If ever he gets to do a project na bading siya, that would be fun. Kasi pretty boy, e. Guwapo talaga, e.
“Nagtanong din ako sa mga uncle ko tungkol sa pagpu-portray ng gay role. And sabi naman nila, like si Tito Mike (Michael de Mesa), he gave me an advice to be consistent.
“Kasi at first ang una kong atake sa character kong ito sa Dading, I thought gays have different levels. ‘Yon pala it’s just the same. But it’s just different kung sino ang kausap. Depende kung sino ang kaeksena mo.
“I thought it was like different levels. But ‘yon nga, consitenscy is importante.
“Natutuwa nga ako kay Direk Ricky (Davao) kasi parang hands on, e. Kumbaga, he would always remind me na, o, parang nagiging lalaki ka ulit!
“‘Yong gano’n? It’s hard, e. Ang hirap ng transition kasi. Kapag sinabi mong, 5 4 3 2, action!
“Pero lately, I’m getting a kick out of it. Kumbaga pagdating pa lang sa set, iba na ang mindset ko.
“So kapag nag-cut, kahit i-try kong maging normal, may mga hindi ko pa rin nabibitawan! Ha-ha-ha!
“Pero hindi ko naman nadadala pag-uwi ko ng bahay. Iyon ang ikinakatakot ko noong una! Ha-ha-ha!
“And I think that’s part of being an artist. If you’re really into the character, maaaring maiuwi mo or maaaring it will take time for you to brush off that character.
“Pero I think it works mostly kapag movies, e. Kasi ‘pag movies may pahinga ‘yan. Hindi naman MWF ang gawa ng pelikula. So minsan nawawala, e. That’s why kapag gumagawa ka ng pelikula at ang character mo ay katulad ni Dading, it will take time talaga.
“Months to prepare. And months to brush off that character. Sa TV naman, sa tingin ko logically mas madali.”
Kaugnay ng kanyang paganap bilang Dading, ano ‘yong hindi niya naiintindihan dati sa mga gays na ngayon ay kanyang nauunawaan na nang lubos?
“Sabi ko nga ano, e, puwede kang maging mabuting magulang kahit anuman ang kasarian mo. It doesn’t matter if your dad is gay. Or your mom is a lesbian. Ang lahat ng tao ay may karapatang magmahal at may kanya-kanya silang paraan kung paano maging maligaya ang isang pamilya.
“So ro’n ako na-ano na, they all have the same emotion.
“Mas may advantage pa nga ang pagiging gay na parent. Kasi they can be a mom and they can be a dad at the same time.”
Ibig ba niyang sabihin, suportado niya ngayon ang LGBT Community?
“Of course! Sabi ko nga, I respect them. We all have different choices in life. Pero ako I respect them. I was never against it. That’s why I have lots of friends na gay, e. Tao sila. Hindi sila naiiba.”
Katatapos rin lang ni Gabby na gumawa ng isang indie film. Ito ay ang Cinemalaya entry na Asintado na idinerehe ni Louie Ignacio. “Kasama ko rito si Aiko Melendez, si Jake vargas, at si Rita de Guzman. The story is about this kid portrayed by Migs Cuaderno na actually siya ‘yong bida.
“Ano siya, authistic pero magaling siyang umasinta.
“Ang character ko naman, I play a drug dealer. Sobrang opposite ng role ko sa Dading.
“Nagkasabay nga. Nagti-taping ako ng Dading tapos sinu-shoot naming itong Asintado.
“‘Yong transition, ang hirap. Kasi dalawang magkaibang role.
“Tapos halos 24-hours kaming nagpupuyat para lang mapaganda namin ‘yong Dading. Kaya ang laking challenge talaga.”
The post Apektado sa role na bading! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment