Wednesday, July 2, 2014

2015 national budget hihimayin

TINIYAK ng isang solon na bubusisiing mabuti ang panukalang 2015 national budget upang makasiguro na hindi maabuso ang kaban ng bayan.


Kasabay nito, ikinagalak ni Sen. Nancy Binay ang desisyon ng Supreme Court na ‘unconstitutional’ ang Disbursement Acceleration Program (DAP).


Patunay lamang aniya ang mensahe nito sa mga pampublikong opisyal na pagbutihin ang pamamahala at proteksyunan ang pera ng bayan.


“Sana po ay umpisa na ito ng mas pinaigting na pangangalaga sa pera ng bayan na dapat po ay ginagamit sa ikabubuti ng ating mamamayan,” aniya.


“Ang ating mandato po ay ang pagsilbihan ang bayan, kasama na po rito ang pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kaban ng bayan,” saad pa nito.


“Bilang miyembro ng Senado tungkulin naming bantayan ang kaban ng bayan upang maiwasan ang mga iregularidad tulad ng issue ng PDAF gayundin ang DAP,” diin pa ni Binay.


The post 2015 national budget hihimayin appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2015 national budget hihimayin


No comments:

Post a Comment