BAYAMBANG, Pangasinan – Plano ng pamunuan ni Bayambang Mayor Ricardo Camacho na masungkit ang Guinness World Record para sa pinakamahabang barbecue sa selebrasyon ng ikalimang Malangsi Fishtival sa Abril 5, na bahagi rin ng 400th Founding Anniversary ng bayang ito.
Plano ng alkalde na makagawa ng 7.7-kilometro ang habang barbeque grill para malampasan ang 6.2-kilometro na nagawa ng Turkey at masungkit mula sa huli ang nasabing record na naitala nito noong 2010.
Ang 7.7-kilometrong barbecue grill ay gagawin sa national road, magsisimula sa Wawa na aabot sa mga barangay
Telbang Buayaen, Poblacion Zone III, Zone V, Tamaro, Tambac, Nalsian Norte at Nalsian Sur. – Liezle Basa IƱigo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment