DYUSKO day! Usap-usapan ngayon sa apat na sulok na showbiz ang pagdadalang tao ng isang sikat maganda at mahusay na tele-actress queen na ito.
2 months preggy raw ang nasambit na tele-actress queen at ang tinuturong ama ng kanyang dinadala ay isang gwapo, batang-bata at mayaman na galing sa mga pulitiko na isa ring batang ama.
Kunsabagay patas na ang dalawang ito (Politician at Teleserye Queen) dahil nga may dyunakis na rin ang nasabing tele-actress queen sa nauna niyang relasyon na anak ng isang senator. Hahahahahaha!
Paano na kaya ito gayong buntis na nga ng dalawang buwan ang nasambit na actress noon pa mang unang makarating sa kanyang unang nakarelasyon at sinasabing ama ng kanyang anak ay nagbabanta na magsampa ng demanda ang anak ng isang senador.
Patunay lamang na parang naghahabol pa rin sa naturang actress ang anak ni senator kaya lang, hindi umubra sa korte ang reklamo nito. Kasi nga, kung magaling na aktres sa kanyang teleserye, magaling din itong magtago sa relasyon niya sa anak ng senador at isa pang politician na kahahalal lamang noong nagdaang eleksyon bilang mayor.
Siguro naman may laban na ang anak ng senador rito kay teleserye queen kapag naghain siyang muli ng reklamo sa korte lalo na’t ang kanyang ebidensya ay ang pagdadalang tao nga nitong si teleserye queen.
Tanong, sa mga ganitong banta kay teleserye queen na mauuwi diumano sa kanyang pagkakakulong kung sakaling maghain nga ang kanyang dating nakarelasyon at ama ng kanyang anak, itutuloy pa kaya ni teleserye queen ang kanyang pagbubuntis?
Kunsabagay, walang bahid-dungis ang pagkababae nitong si teleserye queen dahil after nung makarelasyon niya ang anak ng senador, ang baguhan at gwapong politician lamang ang nakasunod niyang naging papa at never pa itong naba-blind item na nakipag relasyon sa ibang lalake or nagpalaglag.
Kaya nga botong-boto raw sa kanya ang pamilya ng gwapong politician na sinasabing ama ng kanyang pinagdadalantao sa ngayon dahil sa maganda ang imahe ng teleserye queen na ito.
Excited na nga raw si aktres sa pinaplano nilang pagpapakasal ng kanyang karelasyon ngayon na isang vice governor pala sa isang probinsya.
Sa totoo lang, hindi maipagkakaila na sobrang nag-hit talaga or nag gold (platinum na yata) ang Pusong Bato na kinumpose at inawit nitong si Aimee Torres.
Yes, originally si Aimee Torres talaga ang umawit ng Pusong Bato pero simula nung makipagrelasyon itong si Aimee sa isang bilyonaryo na taga-Batangas ay sinasabi ng iba na tinalikuran na niya ang pag-awit o pagharap on national television para magpa-interview.
Kaya naman merong isang Rene ang namesung na taga-banda ang nag record muli at nagbigay ng kanyang version na panlalake para sa awiting Pusong Bato.
Kaya naman muling pinag-usapan ang nasabing singer/composer ay dahil muntik na siyang idemanda ni Aimee dahil nakarating dito ang ginagawa niyang panggogoyo.
So, ang ginawa ni Aimee at ng kanyang Daddy ay nagsampa sila ng reklamo laban dito kay Rene Alon.
Dahil dito, natigil ang sinasabing pagnanakaw at pagtatangka nitong si Rene na angkinin ang Pusong Bato ni Aimee Torres dahil si Aimee na mismo ang patuloy na umaawit nito sa mga radio at television kaya nga nag-gold na ito ngayon sa market.
Pero hindi pa roon nagtapos ang kwento dahil nga hanggang ngayon ay patuloy pa ring na ginagawaan ng kalokohan o ninanakaw ang karapatan ni Aimee sa Pusong Bato. Kagaya na lamang nitong pekeng si Manny Paksiw na talagang kuhang-kuha ang lyrics ng Pusong Bato na inaawit sa kanyang mga gigs.
Kaya naman itong si Aimee katuwang ang Star records ay nakahandang magsampa ng reklamo sa korte rito kay Manny Paksiw at sa iba pang gustong magnakaw ng kanyang version at karapatan sa nasabing kanta.
The post Teleserye actress 2-months preggy sa dyowang politiko appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment