SAN FERNANDO CITY, La Union – Iniulat noong Linggo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineer Mayette Mendoza na bubuksan na sa publiko sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko, ang Villamil Bridge sa Calasiao, Pangasinan.
Sa panayam sa La Union, sinabi ni Mendoza na halos 95 porsiyento nang tapos ang Villamil Bridge, at finishing na lang ang kinukumpleto para madaanan na ito ng mga sasakyan.
Tiniyak din ni Mendoza na ang P99-milyon tulay ay higit na magpapasigla sa mga negosyo sa Calasiao, dahil magagamit na ang ruta patungong Metro Manila, sa mas mabilis na biyahe. – Liezle Basa IƱigo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment