Thursday, December 5, 2013

UP, naisahan ang Sto. Tomas

Makaraan ang mahigit sa dalawang dekada, nagawang talunin ng koponan ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa UAAP Season 76 volleyball tournament sa Fil-oil Flying V Arena sa San Juan City.



Humanay ang Figthing Maroons sa opening day winners na Adamson University at nagdedepensang kampeon na National University makaraan nilang talunin ang Tigers sa loob ng apat na sets sa kanilang unang laro kahapon, 25-23, 22-25, 25-17, 25-23.


Nagtala si Julius Raymundo ng 17 puntos na kinabibilangan ng 8 blocks habang nagposte naman si Wendell Miguel ng 16 puntos na kinpapalooban ng 11 hits at 3 aces para pangunahan ang nasabing panalo ng Maroons kontra Tigers.


Bigong makapasok sa Final Four noong nakaraang taon matapos na pumang-lima lamang sa barahang 7-7, panalo-talo, pinangunahan ang Tigers ng mga beteranong sina Mark Gil Alfafara at Romnick Rico na kapwa kumamada ng tig-20 puntos.


Maituturing na isang malaking upset ang nasabing panalo para sa Maroons na huling nagwagi noong 1980 kasunod ng pagkumpleto nila sa isang 4-peat sa men’s division makaraang tumapos lamang sila na pampito lamang noong nakaraang taon sa barahang 3 panalo at 11 kabiguan. (Marivic Awitan)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



UP, naisahan ang Sto. Tomas


No comments:

Post a Comment