TATAWID (pansamantala or is it for good na ba, Noel Ferrer?) sa TV5 mula sa ilang taong pananatili sa GMA-7 si Luis Alandy at unang proyekto niya ang primetime Thursday series na For Love or Money, starring Derek Ramsay, Ritz Azul, Edward Mendez at Alice Dixson.
Luis plays Anton, ang masugid na suitor ni Roselle (Ritz). Siya rin ang ‘manggugulo’ sa magulo nang relasyon nina Roselle, Edward (Derek) at Kristine (Alice).
Kuntento naman daw si Luis sa trato sa kanya ng mga taong nasa likod ng pinag-uusapang serye ng TV5. Ikinatutuwa rin ng aktor na maganda at mahalaga ang papel na ginagampanan niya sa series.
Luis says, he can’t ask for more lalo na’t alagang-alaga rin naman siya ng kasalukuyang network na pinaglilingkuran niya.
Kilala namin personally si Luis na pagdating sa trabaho ay professional talaga. Mahusay ding aktor at kung sakaling kunin siya ng TV5, nakasisiguro kaming never siyang magiging sakit ng ulo. ‘Ika nga, this young actor delivers!
In the meantime, abangan ang kapana-panabik na mga eksena sa For Love or Money this Thursday at 8:00 PM. Bukod kay Luis, pasok na rin si Bernard Palanca bilang Charles. –Lito MaƱago
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment