Disyembre 18, 1777 nang ipinagdiwang ng noo’y kalalayang America ang pambansang Thanksgiving Day nito, sa paggunita ng mga Amerikano sa kanilang tagumpay matapos sumuko ang halos 5,000 sundalong British noong Oktubre 1777.
Sa pakikiisa sa selebrasyon, isinulat ng United States Congress na, “It is therefore recommended to the legislative or executive Powers of these United States, to set apart Thursday, the eighteenth Day of December next, for solemn Thanksgiving and Praise.”
Sa buong kasaysayan, ang Thanksgiving Day ay ipinagdiriwang sa Amerika sa iba’t ibang petsa. Noong Disyembre 26, 1941, inaprubahan ni President Franklin D. Roosevelt ang joint resolution ng Congress na nagtatakda sa araw ng pasasalamat sa ikaapat na Huwebes ng Nobyembre.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment