Wednesday, December 18, 2013

Seguridad sa Simbang Gabi, tiniyak

ISULAN, Sultan Kudarat – Tiniyak ng mga lokal na opisyal sa Tacurong City, Isulan, Esperanza, President Quirino, Lambayong at Bagumbayan sa Sultan Kudarat na katuwang nila ang pulisya at militar, maging ang civilian volunteers organization sa pagbibigay ng seguridad sa mga dadalo sa Simbang Gabi, na nagsimula nitong Lunes.



Tiniyak nina Sultan Kudarat Police Provincial Office director Senior Supt. Rex dela Rosa at Ltc Markton Abo ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army na may ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan at maging sa Simbahang Katoliko para sa seguridad na inilatag kaugnay ng siyam na araw na pagsisimba bago ang Pasko. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Seguridad sa Simbang Gabi, tiniyak


No comments:

Post a Comment