Sunday, December 1, 2013

Tamagotchi, nagbabalik

TOKYO (AFP)—Nagbabalik ang Tamagotchi, ang hugis itlog na virtual pet na paborito ng maraming batang mag-aaral noong 1990s, at nakatakdang ilabas sa merkado sa Europe ngayong Pasko.


Ang maliit na toy character, kailangang palakihin ng may-ari, ay pumatok sa buong mundo nang unang inilabas, nakapagbenta ang lumikha nito na Bandai ng 40 milyong piraso mula 1996 hanggang 1999.



Ang bago, updated na bersyon, tinatawag na Tamagotchi Friends, ay ilalabas sa Europe sa susunod na buwan at sa North America sa 2014. Ito ay magkakahalaga ng $19.99, ayon sa Bandai.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tamagotchi, nagbabalik


No comments:

Post a Comment