Nagpalabas ang Social Security System (SSS) ng moratorium sa pabahay, pagbabayad sa utang at pagpapataw ng mas mababang tubo sa singil sa mga umutang mula sa mga lugar na sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’.
Pinalawig naman ang deadline ng mga kumpanyang sinalanta ng nasabing kalamidad sa pagbabayad ng buwanang kontribusyon.
Niluwagan din ng SSS ang pagbabayad sa mga termino ng kontribusyon at pautang sa kasalukuyang mga nagpahusay sa SSS Calamity Relief para sa mga biktima ng Yolanda, na inaprubahan ng Social Security Commission (SSC) noong November 27.
Saklaw nito ang mga lugar sa central Philippines na ideneklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa state of calamity, kabilang ang Leyte, Bacolod, Samar, Palawan, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Cebu.
“Employers are required to remit contributions only for the months that their business has been actively operating. Because of the destruction wrought by Yolanda, we understand that employers in the typhoon-stricken areas have had to stop operations,” paglilinaw ng SSS.
Anila, bilang bahagi ng relief package, ang deadline ng lahat ng employer contributions para makaayon sa buwan ang operasyon mula Oktubre 2013 hanggang Marso 2014 ay magiging sa Abril 30, 2014. Sa deadline na ito, magagamit ng mga apektadong kumpanya ang kanilang resources sa buong pagbukas ng negosyo.
Epektibo ang kontribusyon ng mga employer sa pagpapatuloy ng deadline sa pagbabayad sa April 2014.
Ang mga kumpanya na mananatiling non-operational matapos ang Marso 2014 ay dapat magsumite ng SSS Form R-8 (Employer Data Change Request), mga supporting document, para suspendihin o tanggalin ang kanilang membership sa SSS. – Jun Fabon
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment