Monday, December 2, 2013

P220-M iniendorso nina Honasan, Jinggoy sa LGUs at NGOs iimbestigahan

NAIS ng Department of Agrarian Reform (DAR) na aksyunan ng Office of the President ang P220-milyong pondong inendorso nina Senador Jinggoy Estrada at Gringo Honasan noong 2010 at 2011.


Sinabi ni DAR Secretary Virgilio Delos Reyes na Nobyembre ngayong taon nang irekomenda nilang imbestigahan ang pondo matapos lumabas ang resulta ng kanilang pagsisiyasat noon pang 2012 sa naturang pondo.


Taong 2011, inendorso aniya ni Estrada ang P70 milyon para sa “organic farming livelihood projects” ng DAR sa 10 bayan na ipatutupad ng 10 pekeng non-goverment organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.


Umaabot naman sa P150 milyon ang inendorso ni Honasan sa 14 na bayan sa pamamagitan ng tatlong NGOs.


“Noong 2012 nagkaroon kami ng report mula roon sa Support Services Office na itong ilang NGOs na pinagdaanan ng perang ito ay hindi pa nali-liquidate kaya nung 2012 …pinadalhan na [niya] ng mga sulat ang mga ito at inumpisahan na ang pagsasaliksik kung anong nangyari sa mga proyektong ito,” pahayag ni Delos Reyes.


Pinakakasuhan na ng DAR ang mga naturang NGOs sa Office of the Solicitor General (OSG).


Noong panahon ng imbestigasyon, hindi pa tukoy na kabilang sa mga taong sangkot sa isyu si Janet Lim-Napoles dahil 2013 na nang pumutok ang pork barrel scam.


Sa ngayon, iniimbestigahan na rin ang mga empleyado ng DAR kabilang ang ilang undersecretary na posibleng sangkot din sa isyu. Ang mga ito aniya ang nakapirma sa mga dokumento.


Sinisilip ang koneksyon ng mga ito kay Napoles.


Dumipensa naman si Delos Reyes sa pagsasabing malabong alam ng kanyang opisina ang lahat ng mga nangyayari sa DAR dahil mayroong “signing authority” ang mga undersecretary na ito ang pipirma ng mga transaksyong may halagang hanggang P10 milyon.


The post P220-M iniendorso nina Honasan, Jinggoy sa LGUs at NGOs iimbestigahan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



P220-M iniendorso nina Honasan, Jinggoy sa LGUs at NGOs iimbestigahan


No comments:

Post a Comment