UMIIKOT sa lahat ng sulok ng police headquarters at stations ng limang distrito ng National Capital Region ang sangkatutak na booklets ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang bola (draw) ay sa December 15.
May masama ba sa pagbebenta ng tickets ng PCSO? Wala naman kung ang beneficiary ay hindi ang Philippine Military Academy Alumni Association.
Unfair kasi para sa mga pulis, opisyal at hindi, na magbebenta sila ng ticket na halos puwersahan gayong hindi naman ang Philippine National Police o kanilang mga tanggapan ang direktang makikinabang.
Ilan lang naman ang mga opisyal ng PNP na nagtapos o produkto ng Philippine Military Academy (PMA) kumpara sa mga nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) na nagkataon namang hindi makaungos sa mga PMAyer na nakapuwesto.
Parang mga kalabaw na pinakayod lang ang mga pulis upang kumita ang PMA sa kanilang proyekto.
Bakit hindi sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ipinakalat ang mga ticket?
Dahil hindi naman bibili ang mga sundalo at baka kapag ang mga ito ang binigyan ng sandamakmak na booklets ay magkudeta pa.
Ang mga pulis ba ay hindi marunong tumanggi?
Okay lang na halos mangikil na sila upang maibenta lang ang mga ticket na isinusubo sa kanila ng kanilang mga nakatataas na opisyal na pawang PMAyer.
Ito ang hindi tama. Dapat itong paimbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima upang malinawan kung kanino ba mapupunta ang pakinabang o kita sa ticket.
Hindi kaya para sa bonggang pagdiriwang ng anniversary ng PMA?
O baka naman sabihin nila na para ito sa mga biktima ng Bagyong Yolanda?
Swak nga naman!
The post SINO ANG MAKIKINABANG? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment