Tuesday, December 3, 2013

Sam Milby humanga sa katapangan ni Anne Curtis

KAHIT na inamin na kaagad ni Anne Curtis ang nagawang pagtataray at pananampal sa aktor na si John Lloyd, Phoemela Beranda at Mr. Isaac ay hindi pa rin tapos ang isyu dahil hindi malinaw ang nangyaring pagwawala raw ng aktres.


Sa Twitter kasi ni Anne ay inamin nito na totoong nagawa niya ang hindi dapat dahil nalasing siya pero kung pagbabatayan din ang naging pahayag ng aktres ay malinaw na malinaw na may taong nagsimula ng lahat kaya nagalit si Anne at nagawang manampal at magtaray.


Ang tanong ng karamihan ay kung sino itong nilalang na naging dahilan para magalit si Anne, magwala at manampal.


Kahit naman lasing ang isang tao, lalo`t isa kang iniidolo at hinahangaan ay hindi basta ito magwawala at mananampal nang walang dahilan, ‘di ba?


Anyway, dahil sa ginawang pag-amin ng nagawang kamalian ni Anne ay marami ang humanga rito. ‘Di siya tulad ng iba na kahit bistado na ang ginawa ay todo deny pa rin.


Si Anne, kaagad na inamin ang nagawang pagkakamali at humingi rin kaagad ng sorry sa taong nasaktan. Kaya dahil dito ay humanga sa kanya ang dating boyfriend na si Sam Milby na nagulat din sa naging asal ng aktres.


Kahit na wala na kasi sina Anne at Sam ay magkaibigan pa rin sila at alam na alam ng huli na hindi ganoon ang ex-girlfriend.


Naniniwala si Sam na may dahilan kaya nagwala at nagawang manampal ni Anne. Naniniwala rin siya na hindi ito makasisira sa magandang image ng aktres at this will pass din daw.


Aniya: “She admitted her mistakes, she`s done what she can and ang daming nagmamahal sa kanya. She has so many support from the people who love her, and like I said, this will pass.”


When asked kung ano ang gusto niyang iparating kay Anne?

Sabi ng aktor, wala naman daw siyang karapatang magbigay ng advice dahil mas matagal na sa showbiz si Anne kaysa sa kanya. “But if there`s one thing,” say ni Sam,” I admire her courage to admit her fault naman.”


The post Sam Milby humanga sa katapangan ni Anne Curtis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sam Milby humanga sa katapangan ni Anne Curtis


No comments:

Post a Comment