NAGKAKAEDAD na si Sam Milby, at naghahanap na raw siya ng makaka-partner habang buhay. After daw sa break-up niya sa kanyang girlfriend apat na taon na ang nakararaan ay wala pa raw itong girlfriend hanggang ngayon (etchosero ring dako).
Maraming nagsasabi na sila na raw ni Jessy Mendiola pero deny naman siya nang deny at sabi niya friends lang daw sila.
Sige na nga, friends kung friends lang ang relasyon n’yo, baka paglipas ng isang buwan, break na kayo. Hehehe.
Si Sam ay isa sa hinahangaan naming aktor ng Dos. Simula pa noong mag-umpisa itong
mag-artista, marami ang nakapapansin sa guwapong tisoy na aktor na magaling na itong umarte kahit
hanggang ngayon ay bulol pa rin itong managalog.
Kung ako sa kanya mag-enroll sa isang
speech clinic para maging tuwid na ang kanyang dila sa pananagalog. Come next year, muli raw magtatambal sila ni Anne Curtis. Walang linaw sa amin kung teleserye ba ito o pelikula. Matagal na kasing hindi nasundan ang natapos niyang soap, ang ‘Huwag Ka Lang Mawawala’ na talaga namang nagpakita siya ng kahusayan sa akting bilang bida/kontrabida.
-0-
BAGO pa naghingalo ang pelikulang Filipino, nagkaroon ng huling pagpo-produce ng
pelikula ang isang movie outfit na pag-aari ng isang mabait na producer. Kumita naman ang huli
nitong pelikula at box office hit pa nga.
Anyway, magpa-Pasko noon nang siya ay magbigay ng isang salo-salo sa kanyang close na mga kaibigan at may mga mangilan-ngilang movie reporters.
Sa pagtitipon na iyon ay naroon din ang isang mapagmalaking talent manager na kung uminom ng beer ay parang umiinom lang ng tubig. Tungga to death ang drama niya. Sabi kasi ng producer,
maraming drinks at iba’t ibang klase ito. Merong hard, white wine, red wine at champagne.
Eh, nalasing ang talent manager na ito dahil sa sobrang nainom. Tumayo ito para manubig sa CR. Sa pagtayo pa lamang niya ay tumutulo na ang kanyang gripo sa pagitan ng dalawa niyang hita.
Habang naglalakad ay tumatagaktak talaga at basam-basa ang pantalon nito. Madre Mia! Bulalas ng kanyang bestfriend na reporter. Hindi na nakaabot sa CR ang talent manager. Hahahaha!
Moral lesson: Huwag pasobrahan ang pag-iinom ng beer.
Boom! Ciao Bambino!
The post Sam Milby, gusto nang mag-asawa appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment