Thursday, December 19, 2013

Alden, bitin ang pagiging action star

HINDI award ang habol ni Robin Padilla sa kanyang filmfest entry na “10000 Hours” kundi kumita ito. Ipinauubaya na raw niya sa mga bata ang naturang parangal basta’t ang importante sa kanya ay makabawi ang mga producer niya na sina Boy2 Quizon, Neil Arce at Nikolo Juban.


Pero, napanood na namin ang ’10000 Hours’ sa special screening nito sa Greenbelt Theater. Malaki ang chance ni Robin na maging Best Actor sa galing ng acting niya. Ibang Robin at ibang atake ang acting na ipinamalas niya rito.


Sa pananaw namin, si Binoe ang mahigpit na makakalaban ni Vice Ganda sa Best Actor category na may apat na karakter sa kanyang pang-filmfest na pelikula.


Sineryoso talaga ni Direk Joyce Bernal ang pelikulang ito. Mukhang ganado siya sa ganda ng materyales. Lahat napaarte niya pati sina Cholo Barretto, Bela Padilla, Carla Humphries, dumagdag pa ang magagaling na artista gaya nina Michael de Mesa at Pen Medina.


Nabitin kami sa role ni Alden Richards bilang young Robin Padilla pero may potensyal pala na maging action star ang Kapuso actor. Sa palagay namin, mas bagay sa kanya at mas mahaba ang exposure kung ibinigay sa kanya ang role na panganay na anak ng bida sa pelikula tutal nauna naman siya sa billing after Robin Padilla. Mas may challenge sana at mas sikat ang gumanap.

Pero sa true lang, nabigyan din ni Cholo ng justice ang papel bilang eldest son.


Nakagugulat din ang twist sa nabanggit na movie. Sa ending, ‘di mo akalain kung sino si Bela Padilla bilang media na tumulong sa karakter ni Binoe.


Ginastusan talaga ang movie na ‘to. Hindi dinaya ang pagpunta at pagtago sa Amsterdam ni Senator Ping Lacson. Humingi sila ng permit para mag-shoot du’n.


Inspired sa life story ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pelikula nu’ng mawala siya ng 10000 hours nang akusahan siyang sangkot sa Dacer-Corbito double murder case.


Hinanap niya ang pruweba na mapapawalang sala siya. Pero sinasabi naman ng erpat ni Kylie Padilla na fictional ang pelikula kaya ‘yung tatamaan sa movie ay guilty.


May puso rin ito. Marami ang napaiyak nang bumaba si action star sa eroplano pabalik ng Pinas at sinalubong ng pamilya.


Bagay rin kay Mylene Dizon ang role niya bilang asawa ng bida na matapang at magaling din ang aktres sa naturang pelikula.


Hindi lang hitik sa aksyon ang ’10000 Hours’ na binase sa pagkawala ni Sen. Ping Lacson. Marami ang matatamaan dito lalo na ang mga nasa gobyerno…


Bravo!!! Pati ang musical scoring ng pelikula ay nakatulong para hindi mo ito iwanan habang pinanonood.


Produced ito ng N2 Productions, Philippine Film Studios and Viva Films. Kasama rin sa pelikula sina Markki Stroem, Wynwyn Marquez, Joem Bascon, Antonio Aquitania at Bibeth Orteza.


-0o0-


DEDMA lang si Pauleen Luna sa isang sexy actress-singer na naninira sa kanya. Siya pala ang pinagbibintangan nang matanggal nito sa “Eat Bulaga.”


Ano naman ang power ni Pauleen para tanggalin ang sexy actress-singer?


Ayon sa tsika, dry raw mag-host ito kaya natsugi sa naturang noontime show.


“Mabuti tumatagal ka sa ugali ng amo mo?” sey pa ng sexy actress-singer sa P.A. ng syota ni Bossing. Pero, ayaw patulan nito ang sexy singer. Ang mahalaga, alam naman daw niya sa sarili niya na walang katotohanan ang paninira sa kanya ng sexy actress/singer.


‘Yun na!


The post Alden, bitin ang pagiging action star appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Alden, bitin ang pagiging action star


No comments:

Post a Comment