TARLAC CITY— Malagim na kamatayan ang sinapit ng driver at apat na pasahero ng isang tricycle nang mabundol at makaladkad ng isang pampasaherong bus sa highway ng Barangay Aguso, Tarlac City noong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa ulat ni PO3 Roberto Sinlao, traffic investigator, kay Tarlac Chief of Police Supt. Bayani Razalan, ang mga namatay sa banggaan ay sina Allan Santillan, 35, driver ng tricycle na may plate number RF- 6816; Normilyn Ramirez, 28, ng Purok 3, Barangay Ventenilla, Paniqui, Tarlac; Prudencio Navida, 42, ng Poblacion Norte, Paniqui, Tarlac; Rogelio Garcia, 19, ng Barangay Nangalisan, Asin, Benguet, at Remedios Ferrer, 49, ng Barangay Baloling, Mapandan, Pangasinan.
Ang driver naman ng bus na nakabangga sa tricycle ay may plate number UVZ- 489 ay kinilalang si Manuel Diaz, Jr., 52, ng Barangay San Roque, Paoay, Ilocos Norte.
Patungong hilaga ang tricycle nang makabanggaan ang kasalubong na bus. – Leandro Alborote
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment