UMAABOT sa P10 milyon halaga ng mga gulong at car parts ang nasunog sa pagsiklab ng isang gusali sa Santolan Road, San Juan City kaninang hapon, Disyembre 13, 2013.
Nabatid na ala-1 ng hapon kanina nang magliyab ang unang palapag ng gusali ng tindahan ng mga gulong at car parts.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga panindang gulong.
Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na sumabog na acetylene tank ang sanhi ng sunog.
The post P10-M halaga ng gulong, car parts nasunog sa San Juan appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment