Tutol ang isang obispo ng Simbahang Katoliko sa plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na itigil na ang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Eastern Samar.
Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, hindi dapat na itigil ng DSWD ang relief operations sa susunod na tatlong buwan o hanggang sa Pebrero.
Umapela rinsiya sa gobyerno na huwag iwanan sa lugmok na kalagayan ang mga residente ng Eastern Samar.
“Kaya panawagan namin thru the DSWD na i-extend until 3 months ang relief operations until ang mga tao ay maka-recover na at puwede na tanggalin or puwede naman siguro in other forms instead of giving relief goods ay puwede naman ang cash for work,” pahayag ni Varquez sa panayam ng Radio Veritas. – Mary Ann Santiago
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment