Wednesday, December 18, 2013

Power rate hike, ipinatitigil sa ERC

INATASAN ni Senador Ralph Recto ang Energy Regulatory Commission (ERC) na pansamantalang ipatigil ang paniningil sa pagtaas sa halaga sa singil ng kuryente habang hindi natatapos ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Energy (DOE) at Department of Justice (DOJ) sa isyu ng sabwatan.


Sa ginanap na imbestigasyon ng Senate committee on energy, kinuwestiyon din ni Recto ang ERC kung bakit inaprubahan ang pagtaas ng singil sa kabila ng pagtatakda sa Disyembre 31 ang deadline ng resulta ng imbestigasyon.


“Hindi makatwiran para sa mga consumer kung magpapatuloy ang paniningil ng Meralco kung sakaling mapapatunayan na may sabwatang naganap sa bentahan ng enerhiya na naging sanhi ng pagtaas ng singil sa halaga ng kuryente,” ayon kay Recto.


Ipinaliwanag pa ni Recto na kung sakaling may sabwatan na naganap, paano aniya maibabalik ang perang ibinayad ng consumers.


Sinabi naman ni ERC Chairperson Zenaida Cruz –Ducut na kanilang pag-aaralan ang mungkahi ni Recto.


Hiniling naman ni Meralco President Oscar Reyes na kung magkakaroon ng suspensiyon sa paniningil ng P4.15 per kwh, kailangan isuspinde rin ang kanilang pagbabayad sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).


Sinuportahan ito ni Recto sa pagsasabing dapat maging makatwiran ang hakbang na kung isususpendi ang paniningil sa pagtaas ng generation cost, dapat ipatigil muna ang pagbabayad ng Meralco sa WESM hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.


The post Power rate hike, ipinatitigil sa ERC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Power rate hike, ipinatitigil sa ERC


No comments:

Post a Comment