DAHIL sa bagyong Yolanda kaya ngayon lamang nagawa ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang mag-courtesy call kay Pangulong Benigno Aquino III matapos ang kanyang laban sa American boxer na si Brandon Rios.
Si Pacman, 35, ay nakipaglaban kay Rios noong Nobyembre 24, 2013 sa Venetian, Macao’s CotaiArena, sa Macao, China.
“Nandoon din tayo sa panahon na kasagsagan ng Yolanda; siya rin mismo nagpunta roon at tumulong. So palagay ko naman e, busy siya at palagay ko naman, kita n’yo mas busy ako. So wala namang other… Wala namang other point other than iyong scheduling conflict,” ayon kay Pangulong Aquino.
Sinabi pa rin niya na handa siyang makinig sa kung ano ang gustong sabihin ni Pacman sa kung anong gusto nitong pag-usapan.
The post Naunsiyaming courtesy call ni Pacman isinisi kay ‘Yolanda’ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment