Ni Rey Bancod Tempo/sports editor
NAY PYI TAW– May dalawang araw pa si Jonathan Polosan upang makapagbawas ng isang kilo.
May ilang linggo na ang nakalipas, mas pinagtuunan ng muay thai fighter na kumain ng inihaw na isda at mga prutas, bukod pa sa skipping rope sa araw at gabi.
Sasabak si Polosan sa Biyernes, kung saan ay hinahangad nitong mapaangat ang kanyang silver medal finish sa ginanap na Southeast Asian Games sa Laos may apat na taon na ang nakalipas.
Nasasaisip pa nito ang kanyang naging laban kontra sa Thai opponent sa Laos final. Ang pagkaka-alam niya ay natalo siya sa isang superior opponent.
Ngunit ang lahat ng ito’y kanya nang binura sa kaisipan kung saan ay ilulunsad nito ang kanyang target na gold medal.
Ang Thai, tinalo siya sa Laos, ay wala na sa kapaligiran, ayon kay Polosan.
“Pero kahit sinong Thais ang makalaban naman malakas eh,” saad ng 24-anyos na fighter mula sa Cebu.
Nakita rin na nag-jogging sa Athletes’ Village si Preciosa Ocaya, ang natatanging babae sa three-man muay team.
Sinabi ni Ocaya na medyo overweight din siya, ngunit kaya ring magbawas ng timbang.
“Kayang-kaya,” pagmamalaki ni Ocaya na nakapag-uwi ng bronze sa Laos.
Si Philip Delarmino, kumumpleto sa koponan, ay nakatakdang Makita sa aksiyon ngayon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment