Wednesday, December 18, 2013

Dagdag-sahod sa Region 6, ipinagpaliban muna

Pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages Productivity Board (RTWPB) sa Region 6 ang hiling na ipagpaliban ang pagpapatupad ng P10 dagdag-sahod sa pribadong sektor sa Western Visayas, dahil na rin sa pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ sa rehiyon.



Sa ulat ni RTWPB 6 Director Ponciano Ligutom kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ipinagpaliban muna sa loob ng anim na buwan ang pagpapatupad ng dagdag-sahod na nagsimula noon pang Nobyembre 29.


Gayunman, nilinaw ng opisyal na sa mga lugar lang sa Region 6 na sinalanta ng bagyo ang magpapaliban ng umento, batay sa ilalabas na sertipikasyon ng Office of Civil Defense.


Tuloy naman ang pagpapatupad ng dagdag-sahod sa mga lugar na hindi sinalanta ng bagyo.


Sa loob naman ng anim na buwan, magsasagawa ng konsultasyon at pag-aaral ang wage board kung ipatutupad pa ang umento sa mga lugar na binagyo o o tuluyan na itong ikakansela. – Mina Navarro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dagdag-sahod sa Region 6, ipinagpaliban muna


No comments:

Post a Comment