SA trailer pa lang ng ‘Shoot to Kill: Boy Golden’, parang pang Hollywood na ang dating.
Isang bagong KC Concepcion ang magpapamalas sa kanyang galing sa pag-aaksyon sa nasabing pelikula na official entry ng 39th Metro Manila Film Festival.
Imagine, ganito na pala katagal ang pista ng pelikulang Pilipino na dati ang tawag dito ay Manila Film Festival at sa Manila lamang ito pinalalabas.
Kumbaga, strictly Pinoy movies lang. Hindi kasali ang karatig city nito like Caloocan, Malabon, Valenzuela, Quezon City, Pasay, Makati, at Parañaque.
Kauna-unahang pelikula na aming napanood noong bago pa lang ang Manila Film Festival ay ang pelikula ni Mayor Joseph Estrada na ang pamagat ay ‘Ito Ang Pilipino’. Kundi ako nagkakamali, sa Lyric theater sa Escolta namin pinanood, buwan ng Hunyo, hanggang maging Metro Manila na ang pag-e-exhibition ng mga pelikula at lumawak na ito nang husto.
Nitong mga nakaraang taon ay sa buong Pilipinas na ipinalalabas ang film festival.
Sana nga palitan na rin ito ng pangalan at gawin na itong Philippine Movie Film Festival. Pwede kaya ‘yung mangyari?
Balik tayo kay KC, ang bagong Best Supporting Actress for TV ng PMPC, maganda itong nasimulan niyang award ang pagkamit niya ng best supporting at papunta na ito sa pagiging Best Actress.
Sang-ayon nga sa prediction ni Jeorge Estregan, Jr., ito ang tataghaling Best Actress sa ‘Boy Golden’ at kapag tinalo pa ito, siya ay nadaya!
Type ni KC ang maging isang action star na tulad ni Angelina Jolie. Gusto niya itong gayahin. Naging madali na lang kay KC ang mga routine at fight scene dahil nag-aral ito ng martial arts.
Una, atubili niyang tanggapin ang offer na ito ng Viva Films production at Scenema Concept International Inc. dahil nga mas may edad na ang leading man niya. Pero nang malaman niyang marami nang naging awards si Gob.,Jeorge Estregan, Jr. at nabasa niya ang script na maganda naman ang pagkagawa ng treatment ay tinanggap niya ito. Ang ayaw lang niya ay ang lovemaking. Kasi, hindi pa raw siya handa para rito. Subalit sa laplapan ay yes na yes siya. Sa unang halikan nila ng kanyang leading man, nasampal niya ito.
Ang ‘Boy Golden’ ay hindi lang tigib ng action. Meron ding drama, may sayaw rin daw dito si KC sa club..sa umpisa ng palabas. Ang mga naunang babaeng action stars mula mid-80′s ay sina Beverly Vergel at sinundan ito ni Digna Morena. Nasaan na kaya sila? -0-
SA question and answer sa presscon ng ‘Boy Golden’, hindi maiwasan na tanungin si Jeorge Estregan, Jr. kung nag-e-expect siyang manalong Best Actor at ang kanyang sinagot ay hindi siya umaasa at maraming magagaling din na mga artista. Tama na raw sa kanya ang mga nakaraang awards na natamo niya, sabay pasalamat sa PMPC at Famas.
Masaya na raw siya roon. Minsan na kasi siyang nadaya kaya siguro ayaw niya nang umasa, Sana naman sa mga kukuning mga hurado sa darating na Film Festival ay ang marunong mag-judge. ‘Yon bang nakaiintindi ng pelikula at hindi ‘yung kung sino-sino na lang ang mga nakaupo sa gobyerno. Kasi, let face it, nagkakaroon ng gapangan. Kami, expected na namin ito.
@@@
MAGKALABAN sa takilya ang magtiyo na sina Robin Padilla at Daniel Padilla. Parehong iniidolo kaya lang, magkaiba ang kanilang mga crowd. Kay Robin, pawang mga kalalakihan at mga beki. Ang kay Daniel naman, mga tumitiling mga bagets pero higit na mas maraming fans itong batang Padilla na bida ng ‘Pagpag’ ng Regal Films at Star Cinema.
Si Robin naman, on the other hand, ay gumanap na Sen. Ping Lacson sa ’10000 Hours.’
Merry Christmas to all! Ciao Bambino!
The post Parang pang Hollywood ang dating… appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment