Friday, December 20, 2013

May theater actor na ang apelyido ay Napoles!

ALAM n’yo bang may theater actor na ang apelyido ay Napoles?


Ito’y walang iba kundi si Jerald Napoles na madalas lumabas sa mga pagtatanghal ng PETA (Philippine Educational Theater Association) at ng Tanghalang Pilipino ng Cultural Center of the Philippines.


Madalas—pero parang misteryoso siyang nawala sa eksena nu’ng naging kontrobersyal si Janet Napoles, ang perpetrator ng pork barrel scam (ayoko siyang tawaging “queen” dahil magbibigay ‘yon ng karangalan sa kanya gayong hindi naman siya marangal na tao).


Kamag-anak kaya siya nu’ng babaeng sakim na ‘yon?


Posible. Pero hindi naman siguro siya anak. Dahil sa mga dalawa o tatlong beses namin siyang nakita sa mga press conference para sa mga produksyon na kinabilangan n’ya, wala naman siyang kaangas-angas. Wala naman siyang kayabang-yabang na gaya nu’ng anak na babae nu’ng mandurugas na si Janet Napoles na nagso-social climbing sa Amerika.


Kung may bahid ng pagiging social-climber si Jerald, hindi siguro siya sa PETA at sa TP naging aktibo bilang actor. May mga theater company na sosyal (o pasosyal) ang reputasyon, pero hindi nga sa mga iyon lumalabas si Jerald. Pang masa ang image ng PETA at TP, lalo pa’t sa Filipino (na ang batayang wika ay Tagalog) ginagawa ang mga palabas ng dalawang kumpanya.


Kasama si Jerald sa lead cast ng “Rak of Aegis”, isang Pinoy rock comedy-musical na magtatampok sa mga awitin ng grupong Aegis. Sa January 31 next year ito nakatakdang itanghal ng PETA sa teatro nila sa Eymard Drive, QC. Hanggang Marso 9, 2014 ito itatanghal.


Napaka-versatile na aktor ni Jerald. Hindi siya bading at mukha nga siyang goon, pero gumanap siyang umaatikabong bading sa Care Divas ng PETA na maraming ulit ipinalabas ng PETA at nakaabot pa nga sa Onstage Theater ng Repertory Philippines sometime this year (2013) bilang co-production ng PETA at ng Repertory.


Alam naman ng mga kasamahan n’ya sa lead cast ng Care Divas na siya lang ang hindi bading at all sa kanila (kasama ru’n ang super-talented actor-writer na si Vince de Jesus, ang mahusay na actors-directors na sina Melvin Lee at Duds Terrana).


Si Jerald din ‘yung napakamachong Eias sa Noli The Musical ng TP na idinirek ni Audie Gemorra. Napanood din namin si Jerald noon sa Haring Lear ng PETA.


Ang mag-asawa sa tunay na buhay na sina Isay Alvarez at Robert Seña ang mga pangunahing bituin ng Rak of Aegies, kasama ang GMA network discovery na si Aicelle Santos, ka-alternate ni Joan Bugcat (na, sorry, ‘di pa namin kilala).

Pero, actually, si Aicelle ang bale bida sa musical. Masugid na manliligaw n’ya ang papel ni Jerald. Gumanap na batang Katy dela Cruz si Aicelle sa produksyon ng TP ng Katy musical this year. Involved din sa produksyon na ‘yon ang mag-asawang Isay at Robert.


Rak of Aegis is created by the same women behind PETA’s hit comedy musical “Care Divas,” PETA Artistic Director Maribel Legarda and Palanca Award-winning writer Liza Magtoto, with musical arrangement and musical direction by actor-musician Myke Salomon (na nasa cast din; siya ‘yung napapabalitang boyfriend ni Erah Madrigal).


Oo nga pala, nu’ng bandang magtatapos na kaming magsulat ng kolum na ito, naisipan naming mag-Google saglit tungkol kay Jerald at sa pagiging Napoles n’ya. Nadiskubre naming naipagtapat na pala ni Jerald sa isang feature article na lumabas sa isang network website na distant relative nila ‘yung husband ni Janet Napoles (na ang maiden surname ay Lim; at siguro naman ay hindi siya kamag-anak ni dating Manila Mayor Alfredo Lim).


At hindi naman nga pala nagtatago si Jerald. Sa paggu-Google namin ay natulikap naming ‘yung coverage ni Jude Bautista ng premiere night ng Iloilo movie (ng Singaporean na si Anthony Chien) sa Newport Theater sa Resorts World kamakailan lang. Andu’n si Jerald, sumusosyal, kasama ang napakaraming theater actors, pati na si Angeli Agbayani (na siyang lead actress ng Iloilo) na isang PETA at TP actress din.


Mas magastos manood ng theater show kaysa sine. Pero mas rewarding, dahil nga nasa harap n’yo mismo ang mga nagpe-perform (lalo na kung sa PETA Theater, na ‘di naman kalakihan, kaya okey lang kahit na nasa balcony kayo). Hala, simulan n’yo nang mag-ipon ng pambili n’yo ng tiket para sa Rak of Aegis. Huwag n’yong ubusin ang mapapamaskuhan n’yo.


The post May theater actor na ang apelyido ay Napoles! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



May theater actor na ang apelyido ay Napoles!


No comments:

Post a Comment