Tuesday, December 17, 2013

Pambato ng Pilipinas, tinanghal na Ms. International 2013

ITINANGHAL na Miss International 2013 ang pambato ng Pilipinas na si Bea Rose Santiago sa Japan.


Unang nakapasok sa top 15 ang dalaga hanggang sa makaakyat sa top 5.


Tinalo ng Filipina beauty queen ang 68 contestants ng iba’t ibang bansa.


Samantala, tinanghal naman na first runner-up si Miss Netherlands Nathalie den Dekker at second runner-up si Miss New Zealand Casey Radley.


Nakuha naman ng Aruba ang Best in National Costume Award habang Miss Friendship si Miss New Zealand.


Miss Internet ang Macau at Miss Photogenic naman si Miss Lithuania.


Ito na ang ika-limang Miss International title para sa Pilipinas na huling nasungkit ni Precious Lara Quigaman noong 2005.


The post Pambato ng Pilipinas, tinanghal na Ms. International 2013 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pambato ng Pilipinas, tinanghal na Ms. International 2013


No comments:

Post a Comment