Disyembre 17, 1935 nang unang lumipad ang maalamat na eroplanong Douglas DC-3 sa Clover Field sa Santa Monica, California. Kahit na naging commercially available lang ng 11 taon, kabilang ito sa most well-loved aircraft sa kasaysayan.
Noong World War II, natamo ng DC-3 ang reputasyon nito bilang all-the-go aircraft, nang maging Allied cargo at troop transport plane. Binago ng US Army ang pangalan nito sa C-47, habang tinawag ito ng US Navy na R4D, at binansagan ito ng publiko na Dakota at Gooney Bird.
Pagkatapos ng giyera, ang ilang C-47 ay ginamit sa Korean at Vietnam War, habang ang iba ay inimbak, bagamat karamihan ay inilaan sa civilian use.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment