Monday, December 2, 2013

Pamaskong Padyakan sa Kyusi, matagumpay

Naging matagumpay ang pagsasagawa ng trial run ng Pamaskong Padyakan sa Kyusi kahapon ng umaga sa pinakawalang na dalawang kategorya ng cycling event na ginanap mismo sa pinakamalaking rotonda sa bansa na Quezon Memorial Circle sa Elliptical Road, Lungsod Quezon.



Ikinatuwa ng mahigit na 1,000 siklista pumunta ang muling pagsasagawa ng karera sa popular na rotunda mula na rin sa pag-oorganisa nina Antonio “Loy” Cruz, pangulo/GM ng WESCOR Transformer Corp., Ronnie Emata ng Quezon Circle Bikers at Philip dela Cruz ng Holy Cross Cycling Club.


“Ginawa muna namin na isang trial run ang Pamaskong Padyakan sa Kyusi Circle para malaman lahat ng mga siklista natin. Magsisimula talaga ang ating opisyal na karera sa darating na Linggo, Disyembre 8,” sabi ni Cruz.


Hangad naman nina Cruz na muling buhayin ang karera ng bisikleta sa bansa sa pag-iimbita sa lahat ng mahihilig lalong-lalo na ang mga nasa kalapit na probinsiya ng Maynila upang makatulong sa health at fitness kundi pati rin sa pagpapalawak sa sport na cycling.


Agad naman nagwagi sa Masters A division ang pambato ng Tatalon Cycling Club na si Boy Cuntador kabuntot ang pumangalawang si Kiko Valenzuela, na ama ng sikat na siklistang si Irish Valenzuela. Naka-tanso naman si Bobet Baldomero, pumangapat si Rodolfo Casas at pang-lima si Percy Arcega.


Pinamunuan nina Cruz, Emata at dela Cruz ang pagkaloob ng salaping gantimpala sa mga siklistang nagsipanalo.


Sa tampok na laban ng mga kasapi sa Masters B ay nangibabaw si Reynaldo Guevarra, kasunod si Alfredo Rivera, Richard Aureda Joe Duenas at Gil Espiritu.


Aabutin ng hanggang Disyembre 15 ang pagtatapos ng dalawang araw na padyakan, na may isang Exhibition Race para sa mga ehekutibong siklista at maglalaban din ang mga nasa Masters A (18-35-yrs.), Masters B (36-up) at ang pinakaaabangang Elite / Open Category.


Kabuuang halagang P300,000 ang gantimpalang salapi na ipamamahagi sa tatlong kategoryang nabanggit kasama ang mga pasadyang tropeo na ipamamahagi sa mga mangingibabaw sa ehekutibo na bigay ni PNP chief Allan Purisima.


Upang makalahok at maging kaagapay sa hagibisang ito, makipagugnayan sa teleponong may bilang na 983-0178 at 0998-2756639.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pamaskong Padyakan sa Kyusi, matagumpay


No comments:

Post a Comment